Hindi masabi ng Department of Energy na magandang solusyon sa nararanasan natin ngayong problema sa kuryente ang muling pagbuhay ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOE Asec. Mario Marasigan na nagpapatuloy pa rin kasi ang feasibility study ng pamahalaan katuwang ng South Korean government kung maaari pang magamit ang BNPP.
Hindi pa rin aniya naku-kompleto ng BNPP ang 19 infrastructure requirements ng International Atomic Energy Agency, bilang International Standard.
Para kay Marasigan, mas magandang magtayo na lang ng mga power plant at iba pang renewable energy.
Samantala, naniniwala naman si ACT Teacher Rep. France Castro na ang pagpapalakas sa renewable energy ng pamahalaan ang long term solution sa power crisis sa bansa.
Ayon kay Castro, malabong magamit ang BNPP dahil hindi pa tapos ang mga pag-aaral na isinasagawa dito lalo na’t maaari itong makasira sa kalikasan.
Giit ng mambabatas, kung talagang seryoso ang pamahalaan na solusyunan ang power crisis sa bansa ay mas magandang tutukan ang mga sustainable power supply tulad ng mga renewable energy.
Naniniwala rin ang mambabatas na panahon para i-nationalized o i-take over ng gobyerno ang pamamalakad sa National Grid Coorporation of the Philippines.