Magkakasalungat umano ang mga binigkas na pananalita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ika-limang State of the Nation Address (SONA).
Ito ang ipinahayag ng grupong Karapatan Human Rights kasunod ng muling pagsusulong ng Pangulo sa death penalty.
Ayon kay Karapatan Secretary General Cristina Palabay, sumasalungat ang death penalty sa sinabi ng Pangulo na pangunahing isasaalang-alang ang buhay at obligasyon ng pamahalaan sa human rights sa panahon ng kaniyang pnunungkulan.
Aniya, sasalungat ang pagbuhay sa parusang bitay sa International Human Rights Law.
Dagdag ni Palabay, kung totoong irerespeto ng administrasyong Duterte ang karapatang pantao, hindi ito dapat tumalikod sa Rome Statute at sa pagpasok ng United Nations Human Rights Bodies.