Muling pagbuhay sa usapang pangkapayapaan, sinang-ayunan ng komunistang grupo

Pabor ang National Democratic Front na muling buhayin ang usapang pangkapayapaan sa gobyerno.

Matatandaang nagtungo ng the Netherlands si Bello nitong December 6 alinsunod sa utos ng Pangulo na makipag-usap kay Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison, NDF Senior Adviser Luis Jalandoni at Chief Negotiation Fidel Agcaoili.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ang Chief Government Negotiation, ang NDF Leaders ay sang-ayon sa 90% ng hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Peace Negotiations.


Aniya, naging maganda ang pag-uusap niya sa mga Communist Leaders Pero hindi muna niya isasapubliko ang mga natalakay dito.

Una nang naghayag ng pagkontra si Sison na gawin sa Pilipinas ang peace talks.

Facebook Comments