Sports Industry sa bansa, dapat nang palakasin

60

Umaasa si House Speaker at pinuno ng SEA Game Organizing Committee Alan Peter Cayetano na mabibigyan ng dagdag na pondo ang Sports Industry ng bansa.


Ito’y matapos tanghaling kampeon ang Pilipinas sa halos lahat ng palaro sa kakatapos lamang na 30th Southeast Asian Games.

Ayon kay Cayetano, ang dagdag pondo ay malaking maitutulong lalo na para i-angat ang mga Pilipinong Atleta.

Sa pamamagitan din nito, maraming Sports Facilities ang maitatayo.

Nabatid na nag-uwi ang bansa ng 387 medalya sa Biennial Meet.

Facebook Comments