Ipinasa na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagbuo ng peace talks sa pagitan ng CPP-NPA-NDF at gobyerno sa susunod na administrasyon. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag matapos nitong tuldukan at isara ang pintuan ng negotiating table para sa peace talks. Ayon sa Pangulo, ayaw niya ng lokohan dahil seryoso ang gobyerno na magkaroon ng kapayapaan pero napakaraming demand ng grupo ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison. Aniya, ginawa na niya lahat para matuloy ang peace talks gaya ng pagpapalaya ng mga lider komunista at para makasama sa Oslo, Norway pero iginiit pa rin ng mga ito ang pagpapalaya sa 400 political prisoners na hindi naman na makatwiran. Sa ngayon ay hinihintay pa ng NDF ang formal notice para sa suspensyon ng peace talks sa gobyerno.
Muling Pagbuo Ng Usapang Pangkapayapaan Sa Pagitan Ng Cpp-Npa-Ndf At Gobyerno, Ipinasa Na Ni Pangulong Duterte Sa Susunod Na Administrasyon
Facebook Comments