Muling paghuhukay sa construction site sa DOJ kung saan may nakitang kalansay ng tao, malapit nang simulan; posibilidad na may makita pang kalansay, hindi inaalis ng ahensya

Posibleng malapit nang simulan ang muling paghuhukay sa isang construction site sa loob ng Department of Justice (DOJ), kung saan nakita ang mga kalansay ng tao.

Ayon kay DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla, kumuha na ng samples ng lupa ang UP Anthropology para matukoy kung kailangan pang maghukay sa paligid ng lugar.

Hindi rin inaalis ng ahensya ang posibilidad na may makita pang kalansay ng tao, matapos matagpuan ang mga kalansay kamakailan, na pinaniniwalaang ilang dekada nang nakalibing sa lugar.


Samantala, nakatakdang magpulong ngayong araw si Justice Sec. Remulla at Forensic Pathologist Dr. Raquel Fortun, kaugnay sa autopsiya ng labi ng Persons Deprive of Liberty (PDL) mula sa New Bilibid Prison (NBP) na natengga sa isang funeral homes.

Facebook Comments