Muling pagsailalim sa ECQ ng Pilipinas dahil sa banta ng Delta variant, hindi na kakayanin pa ng bansa

Umapela sa gobyerno ang Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay sa planong mas higpitan pa ang ipinatutupad na paghihigpit sa bansa dahil sa banta ng mga variant ng COVID-19 partikular na ang Delta variant.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, hindi na kakayanin pa ng gobyerno ang panibagong malawakang lockdown.

Sa oras kasi na isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang bansa ay marami ang mawawalan ng trabaho dahilan upang marami muli ang magugutom.


Sa ngayon, payo ni Lopez sa publiko na mahigpit na sundin ang health and safety protocols at ang tuloy-tuloy na pagbabakuna.

Sa mga business establishments naman aniya ay dapat matiyak na nasusunod ang protocols tulad ng tamang venue capacity at maayos na ventilation.

Facebook Comments