Muling pagsasagawa ng imbestigasyon sa PhilHealth, isinusulong ng isang Senador

123Isinusulong ngayon ni Senador Sonny Angara ang muling pagsasagawa ng imbestigasyon sa PhilHealth dahil sa atrasadong pagbabayad nito sa claims ng mga ospital.

Sa inihain nitong resolusyon, sinabi ni Angara na Chairman din ng Senate Finance Committee na mas mabuting mabusisi kung bakit mabagal ang pagbabayad ng PhilHealth, paano ito pabibilisin at kung may maitutulong ang kongreso at iba pang ahensya ng gobyerno.

Nananatili kasing tungkulin ng gobyerno na tiyaking sapat ang kakayahan at kapasidad ng mga pampubliko at pampribadong ospital lalo na ngayong pinangangambahan ang pagdami ng magkakasakit dahil sa mas nakakahawang Delta variant.


Igiit naman nito na hindi uubra ang paunti-unting pagbabayad ng PhilHealth dahil magiging dahilan lamang ito para bawasan ng ilang ospital ang kanilang operasyon o magbawas ng bed capacity.

Sa ngayon, nasa P50 milyon hanggang P70 milyon pa ang hindi nababayaran ng PhilHealth sa bawat ospital sa bansa.

Facebook Comments