Hindi pa nakikita ng OCTA Reasearch Group na ibabalik ang pagsusuot ng face shields sa Pilipinas bilang pag-iingat sa COVID-19.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, suportado lamang nila ang muling paggamit nito kung magkaroon ng surge ng kaso dahil sa virus.
Pero kung paulit-ulit na nasa 200 hanggang 300 ang maitatalang daily new cases sa bansa at hindi aabot sa 1,000, iginiit ni David na hindi muna ito dapat pag-usapan.
Kahapon, nasa 310 ang naitalang bagong kaso sa Pilipinas dahilan para umabot na sa 2,838,032 ang kabuuang kaso sa bansa.
Sa bilang na ito, 9,321 ang aktibo o katumbas ng 0.3% ng kaso.
Facebook Comments