Muling pagtaas ng COVID-19 cases, posible kapag hindi naibigay ang booster shot – OCTA

Nagbabala ang OCTA Research Group sa posibilidad na muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa kung hindi mabibigyan ng booster shot ang mga Pilipino.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ilan sa teorya kaya muling tumataas ang mga kaso sa ibang bansa ay dahil sa bumababang efficacy ng mga bakuna laban sa COVID-19.

Aniya, dapat na iprayoridad na mabigyan ng booster shot ang mga nauna nang nabigyan ng COVID vaccine kabilang ang health workers, senior citizens, at mga indibidwal na may comorbidity.


Giit ni David, makakabuting masimulan na sa lalong madaling panahon ang pagbibigay ng booster shot lalo na’t hindi na magiging isyu ang supply ng mga bakuna sa bansa.

Nauna nang sinabi ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. na target ng pamahalaan na masimulan sa November 15 ang pagbibigay ng COVID-19 booster shots.

Facebook Comments