Muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 pagkatapos ng halalan, pinangangambahan ng isang eksperto

Nababahala ang ilang eksperto sa posibilidad na muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa susunod na dalawa hanggang tatlong buwan.

Sa harap ito ng election period, Semana Santa, at mababang vaccination turnout sa bansa.

Ayon kay Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante, hindi malayong maging superspreader event ang mga pangangampanya at pagdagsa ng mga tao sa iba’t ibang bakasyunan.


Aniya, naobserbahan din nila na marami na sa ating mga kababayaan ang hindi nagsusuot ng face mask.

Dahil dito, umapela si Solante sa publiko na huwag ng magdalawang isip at magpa-booster shot para madagdagan ang immunity at proteksyon sa COVID-19.

Facebook Comments