Paglaya ng community doctor na si Naty Castro, ikinatuwa ng human rights group

103

Nagpahayag ng suporta ang human rights group na “Free Doctor Naty Castro Movement” sa paglaya ng community doctor na si Naty Castro.

Ito ay matapos ibasura ng Bayugan City Regional Trial Court ang kasong kidnapping at serious illegal detention laban kay Castro.

Nabatid na inakusahan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) si Castro na parte ito ng central committee ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).


Kasunod nito ay nagpapasalamat ang grupo sa naging desisyon ng korte at pagpanig nito sa katotohanan dahil nalabag ang due process at walang probable cause sa pag-aresto kay Castro.

Samantala, nanawagan naman ang grupo na dapat mahinto na ang red-tagging at mabuwag na ang NTF-ELCAC.

Facebook Comments