MANILA – Pag-uusapan ngayong araw ng bagong buong Senate Committee on Justice and Human Rights ang isyu kung muli pang pahaharapin sa hearing bilang testigo ang self-confessed criminal na si Edgar Matobato.Ayon kay Committee Chairman Sen. Richard Gordon, tuloy ang kanilang imbestigasyon sa Extra Judicial Killings pero mahalagang maditermina kung ang testigo ay angkop sa hearing.Aniya, pag-aaralan din nila kung magagamit pa sa imbestigasyon ang mga ibinigay na statement ni Matobato kung saan sumentro ito sa mga pagpatay mula 1988 hanggang 2014.Paliwanag ni Gordon, taliwas ang naging salaysay ng testigo sa tunay na layon ng hearing na dapat sana ay para sa mga patayan ngayong taon.Una nang ipinagpaliban sa Huwebes, September 22 ang senate inquiry sana ngayong araw kaugnay sa EJK sa bansa.
Muling Pagtestigo Ni Edgar Matobato Sa Pagdinig Ng Senado Sa Extra Judicial Killings, Pinag-Aaralan Pa
Facebook Comments