Nasamsam ang nasa higit P561,000 na halaga ng hinihinalang shabu mula sa itinuturing na High-Value Individual (HVI) na naaresto ikinasang buy-bust operation ng kapulisan sa Bayambang.
Katuwang ang iba pang ahensya, naaresto ang isang 44 anyos na magsasaka.
Nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 82.5 gramo ng hinihinalang shabu at iba pang non-drug evidences.
Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek, habang isinumite naman sa laboratoryo ang kontrabanda para sa kaukulang forensic examination. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










