Isinusulong ngayon ni Maguindanao 1st District with Cotabato City Representative Datu Roonie Sinsuat ang pagbuo ng Western Maguindanao Province.
Base sa kanyang inihaing House Bill # 4840 noong September 27, 2019 hangad ng kongresista na maitatag ang Western Maguindanao.
Sinasabing kabibilangan ng mga bayan ng Barira, Buldon, Datu Blah Sinsuat, Datu Odin Sinsuat, Mother Kabuntalan, Matanog, Northern Kabuntalan, Parang, South Upi, Sultan Mastura, Talitay, Upi at Sultan Kudarat na sinasabing hangad na maging Kapitolyo ng bagong lalawigan.
May lawak na higit apat na libong square kilometers at mayroong mahigit sa limang daang libong population ang mga nabanggit na mga bayan.
Ito na ang ikalawang pagkakataon ngayong taon, na may naghain sa kongreso na naglalayung mahati ang lalawigan.
Noong August 5, 2019 nauna ng inihain ni Maguindanao 2nd District Representative Esmael Mangudadatu ang House Bill 3054 o ang creation ng Maguindanao North. Labing isang bayan mula sa unang distrito ng lalawigan ang mapapaloob itatag na probinsya.
Nauna na ring nagpahayag ng kanilang pagsuporta ang mga opisyales mula mga bayang masasakop sa paghahati ng lalawigan.
Sakaling mapapaboran, ito na ang magiging ika anim na lalawigan sa BARMM.
Matatandaang noong 2006 nauna naring naihati ang Maguindanao at nabuo ang Shariff Kabunsuan Province ngunit agad ring nabuwag noong 2008.
CCTO PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>