Thailand – Pinagmulta ng mga otoridad sa Thailand ang dalawang turistang Amerikano matapos na magpa-“butt selfie” sa sikat na Buddhist temple.
Inaresto ang dalawang lalaki sa bangkok international airport kung saan pinagmulta ng may katumbas ng halos 8,000 pesos dahil sa kanilang ginawang paglabag.
Maituturing na offensive ang public nudity sa Thailand na isang predominantly Buddhist country.
Mayroong instagram account ang dalawang suspek na pagkuha ng kanilang mga puwet sa iba’t-ibang sikat na tourist sites sa buong mundo subalit ito ay kanila ng dini-activate matapos ang insidente.
Facebook Comments