Multa na ipinataw sa MERALCO, suportado ni Senator Marcos

Binigyang diin ni Senator Imee Marcos na nararapat lang pagmultahin ang Manila Electric Company (MERALCO) dahil sa idinulot nitong bill shock sa consumers sa gitna ng pandemya.

Pagsuporta ito ni Marcos sa pagpapataw ng Energy Regulatory Commission (ERC) ng 19-milyong piso multa sa MERALCO.

Kaugnay nito ay pinuri ni Marcos si ERC Chairperson Agnes Devanadera sa hakbang laban sa ginawa ng MERALCO na paniningil ng mataas mula noong Marso hanggang Hunyo.


Umaasa si Marcos na matatauhan na ang MERALCO dahil malinaw na nakabantay ang ERC at ang publiko.

Facebook Comments