Multa sa paglabag ng Manila Water at Maynilad sa Clean Water Act, dapat na mapunta sa taumbayan

Iginiit nila Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na dapat ibigay sa mga consumers ang P1.843 Billion na multa sa Maynilad at Manila Water dahil sa paglabag ng mga ito sa Philippine Clean Water Act.

Katwiran ng Bayan Muna, ang publiko ang sumasalo sa bayarin sa sewerage at sanitation fee na sinisingil ng mga water concessionaires.

Subalit wala naman palang nagagawa ang Maynilad at Manila Water para mapanatiling malinis ang tubig gayong kasama ito sa water bills na buwan-buwan ay binabayaran ng publiko.


Umaasa naman sina Zarate at Colmenares na magsisilbing babala sa ibang mga kompanya at establisyimento ang naging desisyon ng Supreme Court na patawan ng mataas na multa ang mga water concessionaires partikular na ang mga nagtatapon hanggang ngayon ng kanilang dumi at basura sa Manila Bay.

Welcome development din sa Makabayan ang hakbang ng korte at umaasang seseryosohin na ng mga water concessionaires ang mga isyu tungkol sa environmental protection at sanitation.

Facebook Comments