Multang ₱75,000 na ipinataw ng PBA kay Ateneo Head Coach Tab Baldwin, tinanggihan niya

Tumanggi si Ateneo Head Coach Tab Baldwin na sumunod sa utos ng Philippine Basketball Association (PBA) na magbayad ng ₱75,000  na multa dahil sa sinabi niyang “tactical immaturity” ng mga Pinoy coach noong unang dating niya sa Pilipinas.

Ayon kay Baldwin, limang taon na siyang nagtatrabaho sa ilalim ni Samahang Basketbol Ng Pilipinas (SBP) Chairman Manny Pangilinan at kaya na niyang magdesisyon kung paano aayusin ang bunga ng kaniyang maling ginawa.

Aniya, bagama’t humihingi siya ng paumanhin sa kaniyang kamalian, mas mabuti na ring masiguro niyang mapupunta sa mabuting kamay ang kaniyang ibabayad na multa.


Maliban sa ₱75,000 na multa, nahaharap din si Baldwin sa tatlong buwang-suspensiyon.

Facebook Comments