Tatalakayin sa budget deliberation sa plenaryo ang multi-bilyong pisong pondo ng mga flood control project sa bansa.
Sa gitna na rin ito ng maraming lugar sa bansa ang lumubog sa baha matapos ang pananalasa ng Bagyong Kristine.
Ayon kay Senate President Chiz Escudero, kukwestyunin ng Senado ang mga ahensya ng gobyerno na nabigyan ng alokasyon para sa flood control projects.
Kabilang na dito ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of National Defense/Office of Civil Defense (DND/OCD).
Sinabi ni Escudero, hindi lamang pagpapanagot ang kanilang hahabulin kundi titiyakin rin na may preventive measures na ilalatag sa 2025 budget upang maiwasang maulit ang kaparehong insidente ng matinding pagbaha.