Ipinamahagi sa mga miyembro ng Samahang Magsasaka ng Barangay Tawin-tawin sa Alaminos City ang isang multi-purpose drying pavement at rice transplanter kung saan pinangunahan ang pag turnover nito ng alkalde ng lungsod at ng lokal na pamahalaan.
Ang Samahang Magsasaka ng Brgy. Tawin-tawin ay isa sa mga pinaka-aktibo, nagkakaisa at award-winning farmers association sa lungsod ng Alaminos.
Ang programang ito ng lokal na pamahalaan gaya ng pamamahagi sa karagdagang farm machineries, post-harvest facility, farm inputs, training-seminars at iba pag farm assistance para sa mga magsasaka ng naturang lungsod ay may layunin na mapabuti ang sektor ng agrikultura sa kanila at mas maingat ang antas ng pamumuhay ng kanilang mga magsasaka.
Samantala, isinabay sa pag turnover ng mga kagamitang pangsaka ang pagtatapos ng Climate Resilience Farm Business School na isinagawa naman ng City Agriculture Office katuwang ang DA-Regional Field Office 1.
Dito anaman ay natutunan ng mga farmer-participants ang nutrient management, farm to business approach, records keeping, assessment, processing and hands-on operation at mga karagdagang kaalaman para sa pagpapabuti ng kanilang sakahan. |ifmnews
Facebook Comments