DEKLARASYON NG SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY SA LUNGSOD NA URDANETA, IPINATUPAD

Ipinatupad ngayon sa lungsod ng Urdaneta ang isang special non-working holiday ng lungsod dahil sa obserbasyon ng ika-25 anibersaryo ng pagkalungsod nito.
Sa darating na March 21, 2023 epektibo ang kautusan sa bisa ng Executive Order No. 13-2023 na inilabas ng lokal na pamahalaan ng lungsod na pirmado ng alkalde.
Base sa resolusyon, layunin nito na makapagbigay ng libre at maginhawang oras sa mga residente ng lungsod sa obserbasyon at sa partisipasyon ng mga ito sa selebrasyon ng pagkalungsod nito.

Dahil dito, wala ring pasok sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.
Ipinatupad ang kautusan nito lamang ika-13 ng Marso, taong kasalukuyan. |ifmnews
Facebook Comments