Malapit nang matapos ang konstruksyon ng isang malaking proyektong imprastraktura na makakatulong sa mga residente ng Lungsod ng San Carlos na maaaring mapagtuluyan ng mga residenteng lubhang naapektuhan ng malalaking sakuna.
Ayon sa update ng City Information Office, nasa advance-stages na ng konstruksyon ang ipinapatayong bagong City Disaster Risk Reduction and Management (CDRRMO) Complex o ang Multi-purpose Typhoon-Proof Center na matatagpuan sa Barangay Agdao sa lungsod.
Ayon kay Secretary to the Mayor Jhuliano Nazareno Resuello, magagamit ang pasilidad na ito sa iba’t ibang mga purposes gaya na lamang ng training center ng mga rescuers, lugar para sa malakihang okasyon at higit sa lahat evacuation.
Ang bubong ng naturang pasilidad pa-kurba dahil upang sakaling may sobrang lakas ng hangin ay madadaanan lang nito ang pasilidad.
Dagdag pa rito, magagamit ang lugar na ito saklaing magsagawa ng malakihang relief operations at marami pang iba.
Prayoridad ng kasalukuyang administrasyon ang aktibidad na ito bilang tulong sa mga residenteng lubhang maaapektuhan ng mga sakuna.
Inaasahang ngayon taon ang finishing stage ng naturang pasilidad. |ifmnews
Facebook Comments