Gumamit na ang pamahalaan ng ‘multi-sectoral approach’ para sa pagtugon sa COVID-19 crisis.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, muling binuhay ng gobyerno ang whole-of-nation strategy sa paglaban sa pandemya.
Humingi ang pamahalaan ng tulong mula sa panel ng medical experts, mathematicians, at iba pang specialist mula sa iba’t ibang larangan para magbigay ng payo at rekomendasyon sa COVID-19 response.
Iginiit ni Nograles na hindi tamang sabihin na puro military o police approach ang gagawin dahil maraming mga eksperto na bahagi ng technical advisory panel ang katuwang ng pamahalaan.
Ang paglaban sa COVID-19 ay hindi lamang laban ng medical frontliners, aniya’y iba’t-ibang ‘fronts’ ito.
Dapat ikonsidera ang pang-ekonomiya at panlipunang aspeto ng pandemya.