Isinagawa ng Provincial Government of Maguindanao ang kanilang Multi-Sectoral Consultation kahapon sa BBGM Bed and Breakfast sa bayan ng Buluan, Maguindanao.
Ito ay katuwang ng National Anti-Poverty Commission, National Line Agencies, at Civil Organizations sa nasabing probinsya.
Ang isang araw na konsultasyon ay upang matiyak na maaksyunan at matugunan ang mga pangangailangan ng mga mahihirap at marginalized na sektor katulad na lamang ng PWDs, Senior Citizens, Indigenous People, Farmers, Fisher Folks at iba pa.
Ito ay dinaluhan ng 150 katao na kinatawan ng sektor na tumugon sa imbitasyon ni Gobernador Esmael “Toto” Mangudadatu.(– Jessa Fuentes (BACommunication 4)
Photo Courtesy: PIA Sultan Kudarat
Facebook Comments