Nagsimula na ang kauna-unahang Multilateral Maritime Exercise sa Palawan na bahagi ng Balikatan Exercise 2024.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Western Command Spokesperson Capt. Ariel Coloma, magkakahiwalay na naglayag mula sa Puerto Princessa, Palawan ang BRP Ramon Alcaraz (PS-16), at BRP Davao Del Sur (LD-602) ng Philippine Navy, ang FS Vendemiaire ng French Navy at USS Harpers Ferry ng US Navy.
Sabay-sabay na naglayag ang mga barko patungong silangang bahagi ng Palawan sa Hilagang direksyon patungo sa Mindoro strait hanggang sa makarating sa West Philippine Sea.
Magsasagawa ng iba’t ibang pagsasanay ang mga barko habang naglalayag, kabilang ang Division tactics, Officer of the Watch maneuvers, photo exercise at gunnery exercise.
Tatagal hanggang April 29 ang Multilateral Maritime Exercise na layong mapahusay ang interoperability ng magkakaalyadong pwersa at para itaguyod ang freedom of navigation alinsunod na rin sa international Law.