Mungkahi ni Secretary Dominguez na ibenta ang NAIA, tinutulan ng mga empleyado

Mariing tinutulan ng grupo ng mga empleyado ng Manila International Airport (MIA) ang mungkahi ni Finance Secretary Carlos Duminguez na ibenta na lamang ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para maging pondo ng gobyerno.

Ayon kay Andy Bercasio, Pangulo ng Samahan ng mga Mangagawa ng Paliparan, nasa mahigit 1,000 silang mga regular na empleyado na hayagang tumututol sa hakbanging ito

Sina Secretary Dominguez at Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade anila ang matagal ng gusto ibenta ang NAIA.


Giit ni Barcasio, nagtataka silang mga empleyado kung bakit nais na ibenta ang paliparan sa kabila ng malaki naman ang kinikita nito.

Binigyan-diin ng grupo na nalusaw na ang dalawang beses nilang pagsusulong na ibenta ito ng hindi pumayag ang Pangulong Rodrigo Duterte, subalit ngayong papasok ang bagong administrasyon mukhang nais na naman nilang buhayin ang pagsasapribado nito.

Facebook Comments