Mungkahi sa Senado na maglagay ng business class coaches sa MRT, sinopla sa Kamara

Pinayuhan ni House Committee on Metro Manila Development Vice Chairman at Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo ang Department of Transportation na unahin munang ayusin ang byahe ng MRT sa araw-araw bago ang luho.

Ito ay matapos na irekomenda ni Senator Grace Poe sa budget hearing ng DOTr sa Senado na maglagay ng business class coaches sa MRT3.

Ipinaalala ni Hipolito-Castelo ang dapat na iprayoridad ng ahensya at ito ay tiyakin na tuluy-tuloy ang takbo ng mga tren at walang sira ang MRT na madalas na nararanasan ng mga kawawang commuters.


Iginiit ng lady solon na magiging counter-productive ang suhestyon na ito ni Senator Poe dahil malilihis lamang sa focus ang DOTr sa kanilang sa halip na tugunan ang problema ng mga commuters.

Sinabi ni Hipolito-Castelo na maiintindihan naman ng publiko kung walang business class na bagon sa MRT3 basta’t walang aberya at hindi nagkakaproblema ang kanilang pagbyahe sa tren.

Facebook Comments