Mungkahing buhayin ang anti-subversion law, suportado ng DND

Manila, Philippines – Pabor si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa panawagan ni Interior Secretary Eduardo Año na muling buhayin ang anti-Subversion Law.

Sinabi ng kalihim na sa pamamagitan ng anti-subversion law, mapipigilan ang ‘communist insurgency’ o pamamayagpag ng mga komunista.

Aniya hindi siya tutol sa ideolohiya ng mga komunista pero ang masama ay ang mga tangka ng mga ito na manggulo at magpatalsik sa pwesto ng mga namumuno.


Kaugnay nito, sinabi ni Lorenzana na susuporatahan din nyang i-ban ang mga organisasyon na may kaugnayan sa rebeldeng grupo.

Nagsisilbi kasi umanong legal front ang ibang organisasyon ng mga rebelde kaya maituturing din silang iligal.

Matatandaang na kaya iminungkahi ang anti-subversion law dahil sa mga balitang may mga kabataan ang nawawala matapos na i-recruit ng New People’s Army (NPA).

Facebook Comments