Mungkahing i-require ang booster card sa mga establisimyento sa metro manila, tinutulan ng Employers Confederation of the Philippines

Hindi suportado ng Employers Confederation of the Philippines ang mungkahing i-require ang booster card sa mga establisiyimento.

Sinabi ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis sa panayam ng RMN Manila na hindi sila pabor sa mga panukalang nagdi-discriminate sa mga hindi pa bakunado.

Dagdag pa ni Ortiz, tila overacting na kapag dumating na sa puntong i-require ang fourth dose o ikalawang booster shot ng COVID-19 vaccine sa bansa.


Palagay nito na pinagkakakitaan lamang tayo ng mga pharmaceutical companies.

Facebook Comments