Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, bumaba na

33

Nagpapatuloy ang pagbaba ng bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) na ngayon ay nasa 947 na lamang.

Ito ay matapos na makapagtala ang PNP Health Service ng 230 na mga bagong gumaling at 52 na bagong kaso ngayong araw.

Matatandaan na wala pang isang buwan ang nakakaraan mula nang umabot ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP sa “all time high” na mahigit apat na libo.


Pero una nang sinabi ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos na dumami man ang nag-positibo sa virus sa kanilang hanay, karamihan naman sa mga ito ay asymptomatic o mild symptoms lang ang naranasan kaya mabilis gumaling.

Mula nang magsimula ang pandemya, 48,491 na ang mga tauhan ng PNP na tinamaan ng COVID-19 kung saan 47,417 ang naka-rekober at 127 ang nasawi.

Facebook Comments