Mungkahing pag-amyenda sa oil deregulation law, kabilang sa mga pag-aaralan ni PRRD

Tiniyak ng Malakanyang na pinag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang mga proposal o mungkahi kaugnay ng pagpalo ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kabilang sa mga mungkahing ito ang pag-amyenda sa mga provision sa Republic Act no. 8479 o oil deregulation law.

Ito ay upang magkaroon ng ngipin ang batas at mapanagot ang mga umaabusong oil companies at nagsasamantala sa pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo.


Mababatid na ang big time oil price hike ay dulot nang pag-atake sa oil processing plant sa Saudi Arabia kamakailan lang dahilan nang pagsipa ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Una nang iniutos ng chief executive sa concerned government agencies ang paghahanap ng iba pang mapagkukunan ng oil sources ng bansa.

Facebook Comments