Mungkahing paghiwalayin ang mga nabakunahan na at hindi pa, kinontra ng CHR

Mariing tinutulan ng Commission on Human Rights (CHR) ang mungkahing paghiwalayin ang mga indibidwal na nabakunahan na kontra COVID-19 sa mga hindi pa.

Una rito, sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na pinag-aaralan na ng ilang business establishments ang posibleng paghihiwalay sa mga nabakunahan na at hindi pa nababakunahan.

Pero giit ni CHR Spokesperson Jacqueline de Guia, magreresulta lamang ng pang-aabuso at diskriminasyon ang nasabing polisiya.


Aniya, nauunawaan nila may mga diskusyon at pag-aaral na kailangang gawin sa hinaharap para maproteksyunan ang general population.

Pero sa ngayon, ang pinakamabisang panlaban aniya sa virus ay ang pagbabakuna at pagsunod sa minimum health protocols.

Facebook Comments