KONSTRUKSYON NG ‘DESALINATIONSYSTEM’ SA NORTHERN LUZON, TAPOS NA

Matagumpay ang konstruksyon ng ‘desalination system’ sa Mavulis Island ng Naval Forces Northern Luzon.

Sa ‘Tongtongan ed PIA’ presscon kahapon, inihayag ni Lt. Jaypee Abuan, NFNL Information Officer na dati ay hindi makatagal ang mga dinedeploy na opisyal sa nabanggit na isla bunsod ng kakulangan sa freshwater supply.

Subalit ngayon ay malugod nitong ibinalita na dahil ‘successful’ ang kanilang programa kahit aminadong naapektuhan ng pandemya ang ilan sa kanilang mga operasyon ay malaking tulong ito sa mga hukbong dagat na nagbabantay ng ating mga sakop na karagatan.


Samantala, ibinahagi rin ng opisyal na bukas ang kanilang aplikasyon para sa mga interesadong maging reservist o official.

Mangyaring magtungo na lamang umano sa kanilang official Facebook para sa mga detalye.

Facebook Comments