Mungkahing pagpapabakuna ng mga alkalde, makakapagpalakas sa tiwala ng publiko sa COVID-19 vaccine

54

Sang-ayon si Senator Christopher ‘Bong’ Go na makakadagdag sa confidence building ng taumbayan sa mga bakuna kontra COVID-19 ang panukalang pagpapabakuna ng mga alkalde sa mga lungsod at bayan.

Paliwanag ni Go, mainam ito para makuha ang tiwala ng mga constituent ng isang lugar sa pagpapabakuna na daan para masigurong makakamit ang herd immunity laban sa virus.


Kaya naman tiniyak ni Go na buo niyang susuportahan sakaling magdesisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) na manguna ang mga alkalde sa pagpapabakuna.

Sinabi ito ni Go sa panayam habang dinadaluhan niya ang pagbubukas ng ika-102 Malasakit Center sa Rafael Lazatin Memorial Medical Center sa Angeles City, Pampanga.

Muli ring binanggit ni Go na para mahikayat ang mamamayan na magpabakuna ay magpapaturok din sila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap publiko kapag dumating na ang bakunang akma sa edad at health condition ng pangulo.

Facebook Comments