Mungkahing pagpapalawig sa MECQ, sinuportahan ni Sen. Gatchalian

Kumbinsido si Senator Sherwin Gatchalian na kailangan pang palawigin ang Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ dahil patuloy pang tumataas ang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Gatchalian, malinaw sa datos ng Department of Health (DOH) na okupado pa rin ang 80% ng mga ospital at kailangang mapalawig ang MECQ para makahinga ang mga health facilities.

Para kay Gatchalian, pinakamaganda at balanseng desisyon ang ma-extend pa ng dalawang linggo ang MECQ kung saan kahit papaano ay nakakapasok sa trabaho ang mamamayan habang kontrolado ang paglabas nila sa bahay.


Paliwanag ni Gatchalian, mahalaga ang naidudulot ng MECQ na limitasyon sa paggalaw ng publiko upang maiwasan ang patuloy na pagkalat o hawaan ng COVID-19.

Facebook Comments