MUNGKAHING PAGSASAAYOS NG MGA PUBLIC SCHOOLS SA DAGUPAN CITY, PATULOY NA ISINASAKATUPARAN

Patuloy na isinasakatuparan ang mga proyektong naglalayong isaayos ang mga pasilidad sa mga pampublikong paaralan sa Dagupan bilang tugon sa mga kahilingan ng mga guro at magulang, para sa kapakanan ng mga mag-aaral.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ilang mga proyekto na ang naisakatuparan noong 2024-2025 bunga ng serye ng mga pulong kasama ang Parents Teachers Association (PTA) at ang Department of Education Dagupan.


‎Binigyang-diin ng pamahalaang lungsod na lahat ng pampublikong paaralan sa Dagupan ay pantay-pantay na binibigyang pansin at prayoridad upang mapalakas ang kalidad ng edukasyon, masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral, at mahikayat ang mga bata na mas ganahang pumasok at matuto sa paaralan.


‎Kabilang sa mga paaralang napaglaanan ng proyekto ang Lucao Elementary School, kung saan isinagawa ang backfilling at compaction ng daan; Juan P. Guadiz Elementary School, na nagkaroon ng konstruksiyon ng toilet facilities bilang kapalit ng planong perimeter fence; West Zone 1 Elementary School, na sumailalim sa repainting ng basketball court flooring at ilan pang proyekto sa Sabangan Elementary School maging sa iba pang paaralan na patuloy pang pinagpaplanuhan.


‎Ilan pang proyekto para sa sektor ng edukasyon ang target ipatupad ngayong taon upang matugunan ang pangangailangan at hinaing ng mga mag-aaral at stakeholders, bilang patunay sa seryosong adbokasiya na unahin ang edukasyon ng mga Dagupeño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments