Hindi pa napag-uusapan sa Malacañang ang suhestyong mas palawakin pa ang mandato ng Presidential Commission on Good Government o PCGG.
Ito ang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles sa isang panayam sa harap na rin ng sinasabing proposal ni Justice Secretary Boying Remulla na huwag lang sanang sumentro ang ahensiya sa pagrekober sa mga umano’y ill-gotten wealth.
Ayon kay Angeles, sa ngayon ay walang ganitong polisiya.
Pero kung nagmula naman aniya ang proposal sa kalihim, mas maigi na ito na raw ang gumawa ng inisyatibo para mabuksan ang subject matter.
Batay sa inilatag na suhestiyon ng Justice chief, isama na sa magiging trabaho ng PCGG ang pagkumpiska sa mga kontrabando, kumpiskahin ang properties at assets ng mga non-payment tax payers, mga sangkot sa drug trafficking, korapsyon at iba pang krimen.