Mungkahing palawigin ang SIM card registration, sinuportahan sa Kamara

Iginiit ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) na seryosong ikonsidera ang pagpapalawig ng isa o dalawang buwan sa Subscriber Identity Module o SIM registration.

Tinukoy rin ni Villafuerte na ang mungkahing extension ng SIM registration ay hirit din mismo ng ilan sa Public Telecommunication Entities o PTEs.

Sabi ni Villafuerte, ito ay dahil dalawang linggo na lang bago ang deadline nito sa April 26 pero nasa 40-percent o mahigit 66 million pa lang ng kabuuang 168-million SIM numbers ang naipare-rehistro.


Diin ni Villafuerte, malinaw sa probisyon ng SIM Registration Law na pwedeng i-extend ang deadline nang higit pa sa 120 araw.

Panawagan ni Villafuerte sa gobyerno, gawin ang lahat para magtagumpay ang SIM registration at makamit ang layunin nito na matuldukan ang mga panloloko at iba pang krimen gamit ang SIM cards.

Facebook Comments