Mungkahing sagutin ng PCSO ang bayad sa doktor ng mahihirap na pasyente, sinuportahan ng isa pang kongresista

Kinatigan ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo ang mungkahing sagutin ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang professional fee ng mga doktor na may pasyenteng mahihirap.

Ang naturang mungkahi ay inilutang ni House Committee on Appropriations Chairman at AKO Bicol Party-list Representative Elizaldy Co sa pagtalakay sa panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Binigyang diin ni Tulfo na ito ay malaking ginhawa sa mga maralitang pasyente na hindi agad makalabas ng ospital dahil walang pambayad sa professional fee ng doktor.


Ikinalugod din ni Tulfo na bukas sa nabanggit na suhestyon ang PSCO.

Si Tulfo ay kaisa sa ihahaing panukalang batas ni Representative Co kasama si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kaugnay sa nabanggit na mungkahi.

Facebook Comments