Mungkahing “swab swap vouchers” para sa COVID-19 testing, makakatulong sa pagbangon ng mga negosyo

Isinusulong ni Senator Imee Maros ang swab swap program na prehong mapapakinabangan ng gobyerno, pribadong sektor, Local Government Units (LGUs) at taumbayan.

Sa nabanggit na programa na mungkahi ni Marcos ay may kapalit na coupon ng iba’t ibang produkto at serbisyo ang pagpapa-swab para sa COVID-19 test.

Paliwanag ni Marcos, dahil sa pagpapa-swab o pagpapa-test ay agad matutukoy ang mga positibo sa COVID-19 habang maraming naghihingalong negosyo ang malalaanan ng stimulus funding kung voucher ang gagamitin.


Diin pa ni Marcos, mas may appeal o pasok ang “swab swap vouchers” sa mga adbokasiya ng pribadong sektor at maging corporate social responsibility programs nila para makatulong sa gobyernong itaas ang testing rate.

Facebook Comments