Municipal administrator sugatan matapos pinagtataga-habang tatlo sugatan sa pamamaril sa Paramg Maguindanao!

South Central Mindanao–Sugatan ang Municipal Adinistrator ng Bayan ng Parang, Maguindanao matapos itong pinagtataga bago magtanghali kanina.

Kinilala ni Parang PNP chief Rajiv Alih ang biktima na si municipal administrator Usman Ibay lll.

Ayon sa inisyal ng imbistigasyon ng PNP na nagpang-abot ang grupo ni administrator ibay at ang mga taga suporta ng katungali nila sa politika na nauwi sa komusyon at bigla na lamang nauwi sa pananaga..


Armado umano ng itak ang kanilang mga katunggali.. nagtamo ito ng sugat sa kaliwang bahagi ng kanyang kamay at ngayon ay nasa maayos nang kondisyon.

Ang insidente ay nasundan ng isang insidente ng pamamaril sa bahagi ng Brgy. Polloc ng nasabi paring bayan. sa insidente 3 ang naiulat na nasugatan.
Kinilala ang mga biktima na sina Abdulgani Lipid, isang nangangalang Nords at isa pa na di parin nakikilalang hanggang ngayon..

Ayon parin sa hepe ng PNP Parang, pasado alas 11:00 ng umaga ng dumating ang isang service vehicle sa labas ng pamamahay ng mga biktima na sinasabing ilang metro lamang ang layo mula sa voting center..

Agad umanong bumaba ang mga armadong kalalakihan at pinasok ang mga biktima at walang pakundangang pinagbabaril gamit ang matataas na uri ng armas..

Ang mga biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan na mabilis namang isinugod sa pagamutan. itinuturing namang election related ang dalawang magkasunod na insidente.

Sa ngayon tumbok na ng PNP ang mga suspek sa krimen.

Para sa bantay balota 2019, mula dito sa RMN General Santos Radyoman Rose Tabaosares Sioco, Tatak RMN

Facebook Comments