Municipal councilor ng bayan ng La Union, arestado dahil sa pagtatago ng mga iligal na baril

Hinuli ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang municipal councilor ng bayan ng La Union matapos makuhaan ng illegal firearms sa kanilang isinagawang operasyon sa Brgy. Gonzales, Tubao, La Union.

Sa ulat ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana, kinilala ang municipal councilor na si Michael Mapalo, residente ng Tubao, La Union.

Si Mapalo ay nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.


Nakuha sa pag-iingat ni Mapalo ang iba’t ibang klase ng mga hindi lisensyadong baril.

Facebook Comments