Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng dalawang empleyado ng gobyerno sa President Roxas, North Cotabato na nahuli dahil sa iligal na droga.
Tinukoy ni Police Regional Office-12 Spokesperson Superintendent Aldrin Gonzalez ang mga dinakip na sina Robert Herbilla at Amelito Daquipil.
Sina Herbilla at Daquipil ay municipal secretary at municipal administrative assistant ng President Roxas local government unit.
Agad na inaresto ang mga ito ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan at militar nang makuhanan sila ng pinaniniwalaang shabu sa kani-kanilang tahanan sa magkahiwalay na search operations Miyerkules ng umaga.
Ang raids ay ikinasa base sa search warrants na inisyu ni Judge Alandrex Betoya ng Regional Trial Court Branch 16 sa Kabacan, North Cotabato.
Sinabi pa ni Supt. Gonzales na ang mga suspek ay sasampahan din ng illegal possession of firearms dahil sa narekober din na mga baril sa bahay ng mga ito.(Daisy Mangod)
Municipal Secretary at Admin Assistant sa Pres. Roxas kalaboso dahil sa Shabu
Facebook Comments