MUNTIK-MUNTIKAN NA! | Domino World Record attempt ng isang German company, napurnada dahil sa langaw!

70

Muntik-muntikan na!

Halos matalo na ng German domino entertainment group ang kanilang previous record na may pinakamaraming naitayong domino tiles kundi lang dahil sa isang, langaw!

Patapos na sana sila sa pagbuo ng target na 600,000 domino tiles, sapat upang makuha ang record.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, dumapo ang isang langaw sa isa sa mga tile na nagresulta sa pagtumba nito at ng iba pang mga domino tiles.

Umabot ng halos dalawang linggo ang pages-set up ng mga domino tiles na mas maliliit pa sa daliri ng tao.

Bagamat bigo ang German group, sila pa rin naman ang may hawak ng kasalukuyang World Record sa nasabing kategorya na mayroong 537,938 tiles.

Facebook Comments