Kinumpirma ni Muntinlupa City Health Office Contact Tracing Manager Dr. Carol Magalong na kumuha sila ng mga karagdagang contact tracers.
Layon nito na mapalakas ang kanilang surveillance at monitoring ng COVID-19 cases sa mga komunidad sa lungsod.
Sa harap ito ng patuloy na paglobo ng kaso ng infection sa mga barangay sa Muntinlupa.
Tiniyak din ng Muntinlupa City government na ipagpapatuloy nila ang pagla-lockdown sa mga bahay na may kaso ng COVID-19 para makontrol ang virus.
Ayon sa City Health Office, pinakamaraming hawaan ay nangyayari sa mga tahanan, trabaho at sa public transportation.
Facebook Comments