Muntinlupa City, muling nagpaalala sa kanilang residente na mahigpit na sundin ang W.O.W laban sa COVID-19

Muling nagpaalala ang mga lokal na pamahalaan ng lungsod ng Muntinlupa sa mga residente nito na sundin ang ‘W’ para ‘Wear facemask all the time; ‘O’ para sa ‘Observe Social Distancing’; at ‘W’ para sa ‘Wash your Hands’ (WOW).

Ayon kay Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, huwag kalimutan ang W.O.W. upang hindi mahawa ng COVID-19.

Aniya, ito ay isa na sa pinakamadaling paraan para maalala ng mga taga-Muntinlupa ang kanilang mga responsibilidad bilang mamayan ng lungsod kaugnay sa paglaban sa sakit na dulot ng virus.


Pahayag pa niya na may COVID-19 pa rin ang bansa kaya dapat ay magkaisa at magtulungan sa paglaban kontra COVID-19 upang hindi na kumalat pa ito.

Sa kasalukuyan, ang Muntinlupa City ay mayroong 626 na confirmed COVID-19 cases, 47 na ang nasawi at 344 naman ang bilang ng recoveries, kaya naman nasa 235 ang bilang ng active cases ng naturang lungsod.

Facebook Comments