Muntinlupa City, naglatag ng disaster risk response protocols dahil sa Bagyong Dante

Simula kahapon ay nakalatag na ang mga disaster risk response protocols sa Muntinlupa bilang paghahanda sa epekto sa Metro Manila ng Bagyong Dante.

Naka-prepositioned na ang emergency response resources at equipment ng LGU gaya ng mga generator sets, rescue boats at mga emergency vehicles

Naka standby na rin ang mga government flexi-trucks, search at rescue equipment.


Kahapon ay nagputol na rin ng mga puno sa mga dangerous areas at nilinis ang mga lugar na nababarahan ng mga basura.

Ininspeksyon din ang mga construction sites upang masigurong nagpatupad na ang mga ito ng safety precautions katulad ng pagtiklop as kanilang mga cranes at construction booms.

Iniutos ni Mayor Jaime Fresnedi sa mga punong Barangay na magpatupad ng preemptive evacuation sa mga residente na nasa danger-prone areas.

Facebook Comments