Isang food driver na suma-sideline na holdaper, arestado sa Pasay

110

Arestado ang isang food driver na nagsa-sideline na holdaper matapos mabulilyaso ang lakad kagabi sa Pasay City.

Kinilala ang arestado na si Rod Lawrence Cruz, 21 anyos, Food Panda Rider, at residente ng Pulang Lupa, Las Piñas City.


Batay sa report ng Pasay City Police, sakay ng kulay itim na Honda Click motorcycle si Cruz at pagsapit sa entrance ng Gate 3 ng Hobbies of Asia, sa bahagi ng Macapagal Avenue, Barangay, 76 Pasay City, bigla nitong hinablot ang pouch bag ng isang papalanas na Chinese National.

Nang pasakay na sa kaniyang motorsiklo at tatakas na sana ang suspek, rumesponde si Security Guard Ramon Ascano.

Agad nitong hinarangan ang entrance at hinataw ito ng night stick.

Nakumpiska kay Cruz ang isang patalim na may sukat na walong pulgada.



Nasa kustodiya na ng Pasay Police si Cruz habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kaniya.


Facebook Comments