Muntinlupa Government, pinag-aaralan ang pocket lockdown sa kanilang lugar

Inihayag ng Pamahalaang Lokal ng Muntinlupa City na tinitingnan na nila ang posibleng pagpatupad ng pocket lockdown sa ilang lugar nito.

Ayon kay Muntinlupa Public Information Chief Tez Navarro, ito ay maaaring ipatupad sa ilang barangay ng lungsod kung saan meron maraming confirmed, suspected at probable cases ng COVID-19.

Aniya, layunin ng nasabing hakbang upang mapigilan ang movement ng mga tao na posibleng carrier ng virus at upang mapigilan din ang pagkalat pa nito.


Sa pamamagitan nito, aniya, posibleng bumaba ang bilang ng mga nagpopositibo sa lungsod ng COVID-19, kasama na rin ang bilang ng mga suspected at probable case.

Batay sa pinakabagong tala ng City Health Office, ang Muntinlupa ay meron ng 129 confirmed cases ng COVID-19, 18 na ang nasawi at 19 naman ang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa sakit na dulot ng virus.

331 naman ang bilang ng mga probable cases at 21 lang ang bilang ng suspected cases.

Facebook Comments